dzme1530.ph

Japanese Coach Hideo Suzuki, kinuha ng Farm Fresh para sa susunod PVL season

Isang pamilyar na mukha ang magsisilbing consultant para sa Farm Fresh makaraang kumbinsihin ng Foxies ang Japanese Coach na si Hideo Suzuki na sumali sa team bilang paghahanda para sa next season ng Premier Volleball League (PVL).

Si Suzzuki ang arkitekto sa likod ng championship ng Kurashiki Ablaze sa 2023 Invitational Conference, kung saan tinalo nila ang Powerhouse na Creamline sa finals noong Hulyo at kinumpleto ang undefeated campaign.

Kinuha ang Japanese Coach upang ibahagi nito ang karanasan at expertise sa Farm Fresh at tulungan si Head Coach Jerry Yee, pati na ang mga player sa pangunguna ng setter na si Louie Romero, opposite hitter na si Trisha Tubu, at middle blocker na si Pia Ildefonso.

Ang koponan ng Farm Fresh ay nagtapos sa ika-sampung puwesto sa nakalipas na 2nd all-filipino Conference sa pamamagitan ng kanilang 2-9 win loss record.

—Ulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News

About The Author