dzme1530.ph

Japan tutulong sa paglilinis ng oil spill sa Mindoro

Nangako ang pamahalaan ng Japan na tutulungan nito ang Pilipinas kaugnay sa paglilinis ng oil spill dahil sa lumubog na motor tanker sa Naujan, Oriental Mindoro.

Sinabi ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa na magpapadala sila ng grupo ng disaster relief expert upang umalalay sa Oil spill cleanup.

Partikular ang Japanese Coast Guard na tumulong sa mahigit 100 insidente ng oill spill sa kanilang bansa noong 2019 lamang kung saan nagbigay ito ng patnubay at gabay sa mga responsableng operator upang kontrolin at linisin ang oil leak.

Magugunitang lumubog ang motor tanker na MT Princess Empress karga ang nasa 800,000 litro ng industrial fuel oil nitong February 28.

About The Author