Nag-donate ang Japan ng 4,000 sako ng bigas sa Pilipinas, para sa mga pamilyang apektado pa rin ng pag-aalboroto ng bulkang Mayon sa Albay.
Ito ay bahagi ng kabuuang 10,000 sako ng bigas na ido-donate ng Japan sa ilalim ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve Tier 3 Program.
Ipinaabot ng Japan Ministry of Agriculture-Forestry and Fisheries ang libu-libong sako ng bigas sa Bicol Regional Office ng Department of Social Welfare and Development.
Magkakaroon naman ng ceremonial turnover sa Agosto a-17 upang maipamigay na ito sa mga apektadong residente.
Nakataas pa rin ang alert level 3 sa bulkang Mayon at posible pa rin ang pagputok nito anumang oras. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News