dzme1530.ph

JANINE GUTIERREZ, ITINANGGI ANG TSISMIS NA BUNTIS SIYA

Loading

Pinabulaanan ni Janine Gutierrez ang kumalat na tsismis na buntis umano siya sa anak nila ng boyfriend na si Jericho Rosales.
 
Kamakailan ay nag-post ang aktres ng larawan mula sa dinaluhang kasal, kasama ang kanyang mga kapatid at si Jericho.
 
Sa comment section, isang netizen ang nagtanong kung totoong buntis si Janine, dahil hindi naman ito mukhang nagdadalang-tao sa suot nitong gown.
 
“Fake news” ang diretsong sagot ng aktres sa comment.
 
Mahigit isang taon na ang relasyon nina Janine at Jericho at ipinagdiwang nila noong September 2025 ang kanilang first anniversary.

About The Author