dzme1530.ph

Jameson Blake, itinangging may relasyon kay Barbie Forteza matapos maispatan na magka-holding hands sa fun run

Loading

Matapos maispatan na magka-holding hands sa isang fun run, itinanggi ni Jameson Blake na may relasyon sila ni Barbie Forteza, sa pagsasabing tinulungan niya lamang ang aktres na kumilos sa gitna ng maraming tao.

Umugong ang bulung-bulungan na may namamagitan sa dalawa matapos silang makita na magkasama sa isang fun run sa Pampanga noong Hunyo, at may litrato pa sila na magkahawak-kamay habang nagpapakuha ng larawan ang ilang fans.

Ayon sa entertainment insider na si Ogie Diaz, nilinaw ng aktor na wala siyang relasyon kay Barbie at ang dahilan ng paghawak niya sa kamay ng aktres ay para alalayan ito sa gitna ng dagsang tao na gustong magpa-picture kasama si Barbie.

Sinabi pa ni Jameson na inalalayan niya lamang ang aktres sa event, bagaman naiintindihan niya kung saan nanggaling ang mga espekulasyon.

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na namataan ang dalawa na magkasama. Noong Mayo, nakita rin sila sa “Takbo Para sa Pelikulang Pilipino.”

About The Author