dzme1530.ph

JAKE CUENCA AT RABIYA MATEO, USAP-USAPAN SA SOCIAL MEDIA MATAPOS MAISPATANG MAGKASAMA SA BGC

Loading

Wala pang nagsasalita kina Jake Cuenca at Rabiya Mateo matapos maispatan ang dalawa sa isang restaurant sa Bonifacio Global City.

 

Naging usap-usapan sa social media ang umano’y pagde-date ng dalawa makaraang kumalat ang kanilang mga larawan habang kumakain at namamasyal sa isang mall sa BGC.

 

Sa isang litrato, nakapulupot ang braso ng beauty queen sa braso ng aktor habang naglalakad.

 

Habang sa isa pang larawan ay nakatingin si Jake kay Rabiya habang kumakain ang dalaga.

 

Ang dalawa ay kapwa kagagaling lamang mula sa highly publicized breakups.

 

Una nang ibinunyag ni Jake na wala silang formal breakup ng ex-girlfriend na si Chie Filomeno habang inamin ni Rabiya na halos isang taon na siyang single matapos ang hiwalayan nila ni Jeric Gonzales.

About The Author