dzme1530.ph

Jad Dera, nailipat na sa Muntinlupa City Jail

Nailipat na sa Muntinlupa City Jail si Jad Dera, ang detainee na kamakailan ay inaresto makaraang lumabas mula sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila.

Pasado ala-6:00 ng kagabi nang umalis ng NBI facility si Dera na ineskortan ng ilang mga tauhan ng ahensya.

Opisyal itong itinurnover sa Muntinlupa City Jail, pasado ala-7:00 ng kagabi.

Ipinag-utos ng Muntinlupa Court ang paglipat kay Dera bunsod ng kahilingan ng DOJ matapos itong mahuling lumabas ng pasilidad ng NBI.

Dinakip si Dera at ilang NBI security personnel noong Hunyo makaraang lumabas umano ng piitan para makipag-date. —sa ulat ni

About The Author