![]()
Muling nagkasama sina Jackie Chan at Jaden Smith makalipas ang 16 years matapos bumida sa 2010 remake ng “The Karate Kid.”
Nakita ang reunion ng dalawa sa pamamagitan ng Instagram post kamakailan ni Jaden kung saan binati niya si Jackie sa 72nd birthday nito.
Sinabi ng nakababatang aktor na wala siya sa kinalalagyan niya ngayon kung hindi dahil kay Jackie na tinawag niyang legend, icon, at leader.
Ang “The Karate Kid” (2010) na remake ng 1984 original film ay umani ng commercial success at kumita ng mahigit 350 million dollars sa global box-office.
Unang nakilala si Jaden noong 2006 matapos bumida, kasama ang kanyang ama na si Will Smith sa “The Pursuit of Happyness.”
