dzme1530.ph

Iza Calzado, todo ang kagalakan matapos ang Semana Santa

Inspired na ibinahagi ng aktres na si Iza Calzado ang kaniyang mga naging karanasan na nai-ugnay sa Pasko ng Pagkabuhay ng Panginoon kahapon.

“Easter is a day filled with joy and hope, as we celebrate the victory of light over darkness” ito ang mga katagang binitiwan ng aktres, kung saan idinagdag pa, na ito ang isa sa mga simbolo o paalala kung gaano kalakas ang pagmamahal ng Panginoon sa buong sangkatauhan.

Inihalimbawa pa ng aktres na dahil sa kaniyang patuloy na pananalig o pananampalataya kaya naman nagkaroon ito ng bunga… ang pagkalooban ng anak, na si baby si Deia Amihan, sa kabila ng kaniyang edad na kwarenta.