dzme1530.ph

Iwasang magsama ng mga bata ngayong Undas 2023, paalala ng DOH

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag magsama ng mga bata sa pagdalaw sa mga sementeryo ngayong Undas upang hindi ito makakuha ng anumang uri ng sakit.

Sa isang pahayag, sinabi ni DOH Secretary Teodoro Herbosa na pinaalalahanan niya ang mga magulang na iwasang magsama ng mga maliliit na bata.

Aniya, mahina pa ang resistensya ng mga ito laban sa impeksyon bunsod ng siksikan, mainit na panahon, at biglaang pag-ulan.

Binigyang-diin ng kalihim ang tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa na patuloy na banta sa kalusugan ng bawat indibidwal.

Gayunpaman, pinayuhan ni Herbosa ang mga bibisita sa sementeryo na planuhin ang pagbisita sa ngayong undas, at magdala ng sariling pagkain at inumin upang matiyak ang kaligtasan at maiwasang pagkakasakit.

—Ulat ni Ariam Sancho

About The Author