Inakusahan si Ivana Alawi bilang umano’y mistress o kabit ni Bacolod Congressman-elect Mayor Albee Benitez sa isang criminal complaint for Violence Against Women and Children (VAWC) na inihain ng estranged wife nito na si Dominique “Nikki” Lopez-Benitez sa Makati.
Sa kopya ng complaint ni Lopez-Benitez na nagsimulang kumalat sa social media kahapon, nabanggit ang aktres na mayroong illicit relationship sa politiko.
Bukod pa rito, inakusahan din ni Lopez-Benitez ang kanyang mister na mayroong dalawang illegitimate children.
Sa pamamagitan naman ng statement na inilabas ng kanyang abogado na si Peter Sanchez sa media, itinanggi ng outgoing Bacolod City Mayor ang mga alegasyon na tinawag nitong “baseless and retaliatory,” kasabay ng pagsasabing kaduda-duda ang motibo ng complainant.