dzme1530.ph

IT-BPM sector, tumutulong sa pagbangon ng office market matapos ang pag-alis ng POGO

Loading

Nakikiisa na rin ang Information Technology–Business Process Management (IT-BPM) sector sa muling pagpapaunlad ng office market segment, na unang naapektuhan ng pag-alis ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Batay sa datos mula sa Leechiu Property Consultants, nakapag-ambag na ang IT-BPM sector ng humigit-kumulang 365,000 square meters ng office space sa unang kalahati pa lamang ng 2025.

Sinundan ito ng 354,000 square meters mula sa mga traditional companies, habang 21,000 square meters naman ang galing sa sektor ng gobyerno.

Ayon kay Mikko Barranda, director for commercial leasing ng Leechiu Property Consultants, may plano na ring lumipat sa mga nabanggit na office spaces ang ilang kompanya mula sa sektor ng healthcare, hotel, insurance, banking, at iba pa.

 

About The Author