dzme1530.ph

Isyu sa West PH sea, propaganda lamang, ayon kay Mayor Duterte

Propaganda lamang ang isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang inihayag ni Mayor Baste Duterte na nilalayon ng agawan sa WPS na kaladkarin ang Pilipinas sa isang potensyal na digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at China.

Aniya, hindi ito sa pagiging pro-America o pro-China, kundi ayaw aniya ng Pilipinas na masangkot sa isang problema o conflict kung saan wala itong magagawa.

Sa kabilang dako, patuloy na itinataguyod ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang karapatan ng bansa sa pinag-aawagawang teritoryo.

About The Author