dzme1530.ph

Isyu sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon, dapat dalhin na sa Korte

Sa halip na magsagawa ng pagdinig ang Senado kaugnay sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon, mas pabor si Sen. Imee Marcos na idiretso na sa Korte ang kaso.

Naniniwala si Marcos na may sapat nang ebidensyang nakalap ang Quad Committee sa kanilang mga pagdinig na maaaring magamit ng Department of Justice para sa kaso para mas mabilis ang hustisya

Una nang sinabi ni Sen. Ronald Bato dela Rosa na handa siyang magsagawa ng motu proprio investigation sa isyu ng war on drugs.

Handa namang maghain ng resolusyon si Sen. Bong Go para hilingin ang imbestigasyon.

Sa panig ni Marcos, sinabi nitong inirerespeto niya ang mga hakbangin ng dalawang senador lalo’t karapatan nilang mailabas ang kanilang panig sa mga alegasyon laban sa kanila.

Iniiwasan lamang ng senador na masabihang self-serving ang imbestigasyon lalo na kung si dela Rosa ang mangunguna dito. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author