Ayaw patulan ni Albay Cong. Joey Salceda ang isyu sa logo ng PAGCOR dahil mas matimbang umano sa kanya ang magandang performance nito.
Ayon sa chairman ng Ways and Means panel, wala siyang nakikitang problema basta tiyakin lang ng PAGCOR na above board at compliant sa procurement process ang ipinagawa nilang bagong logo.
Sa ilalim umano ng pamumuno ni Chairman Alejandro Tengco, tumaas ng 50.59% ang income ng PAGCOR sa unang quarter ng 2023.
Bunsod nito, tiwala si Salceda na maaabot ng state run gaming agency ang P224.8-B target gross gaming revenue sa pagtatapos ng 2023.
Ibinahagi rin ni Salceda na nakikipag negosasyon na umano si Tengco para tumaas ang share ng gobyerno sa kita mula sa slot machine terminals.
Nililinis na rin umano ni Tengco ang assets at finances ng PAGCOR para sa posibleng pagsasapribado nito. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News