dzme1530.ph

Isyu sa flood control projects, prayoridad imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee

Loading

Kinumpirma ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na kabilang sa mga prayoridad na imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee, sa pamumuno ni Sen. Rodante Marcoleta, ang mga kontrobersyal na flood control projects ng pamahalaan.

Ayon kay Estrada, maaaring agad simulan ng komite ang imbestigasyon kahit walang inihaing resolusyon o panukala, dahil may motu proprio power ang Blue Ribbon Committee.

Bukod sa flood control projects, titingnan din ng komite ang Joint Venture Agreement sa pagitan ng ilang water districts at water concessionaires.

Tiwala si Estrada na makakatulong sa magiging pagdinig si Marcoleta, na dati ring kongresista, dahil aniya’y posible itong may malalim na kaalaman sa mga kontrata kaugnay ng flood control.

Ipinagtanggol din ni Estrada ang pagkatalaga kay Marcoleta bilang chairman ng Blue Ribbon Committee, sa kabila ng pagiging neophyte senator nito. Aniya, wala sa rules ng Senado ang nagbabawal na italaga ang isang baguhang senador sa posisyon.

About The Author