dzme1530.ph

Isyu ng hurisdiksyon ng Senado ngayong 20th Congress, hindi na dapat pang pagtalunan

Loading

Hindi na dapat pag-usapan ang isyu ng hurisdiksyon ng Senado ngayong 20th Congress sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang iginiit ni Sen. Risa Hontiveros na nanindigang napatunayan na ng 19th Congress na tatawid sa bagong Kongreso ang impeachment trial.

Kaya naman, tiniyak ni Hontiveros na handa siyang makipagdebate kung sakali mang may maglatag ng usapin na ito sa plenaryo ng Senado sa pagbubukas ng kanilang sesyon.

Hindi rin sang-ayon si Hontiveros sa plano ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na tanungin pa ang 20th Congress Senate kung gusto pa bang ituloy ang proceedings.

Ipinaalala ng senadora na kadalasan, seloso sa isyu ng hurisdiksyon ang korte, na kapag nasa kamay na nila ang isang usapin, hindi na nila ito bibitawan.

Sa pag-convene aniya ng impeachment court, inaasahan niyang tatalakayin na nila ang answer ad cautelam na pinadala ni VP Sara at ang reply dito ng House prosecution panel.

About The Author