dzme1530.ph

Isyu ng decorum sa Senado, napalaki lang!

Naniniwala si Senador Sonny Angara na na-exaggerate o napalaki lamang ang usapin ng decorum sa Senado.

Sinabi ni Angara na sa ngayon ay wala naman siyang nakikitang dahilan upang magpatawag pa ng pagpupulong sa mga senador para paalalahanan ang bawat isa kaugnay sa tamang gawi at pananalita sa Senado.

Sa isyu anya ng ingay sa session hall, ipinaliwanag ng senador na kadalasan kasing maraming bisita ang bawat mambabatas at hindi maiwasang i-entertain ang mga ito sa gallery sa session hall.

Ang nakikita pa ni Angara ay mabait lang si Senate Pres. Migz Zubiri at nakakalusot ang mga ganitong gawain subalit hindi anya ito nangangahulugan ng kakulangan sa kanilang liderato.

Nanindigan din si Angara na “behave” naman ang nga miyembro ng Senado at maituturing pang mga matured.

Iginiit ni Angara na sa ngayon ay wala namang pagkakataon na may mga senador na hindi nagkikibuan matapos ang mainitang debate sa plenaryo.

Kahit naging mainit aniya ang talakayan ay hindi naman nagkakagalit ang mga senador at lahat sila ay palaging nagkakausap-usap. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author