dzme1530.ph

ISRAEL, SINABING WALANG KINALAMAN ANG US SA PAG-ATAKE SA SOUTH PARS GAS FIELD

Loading

Inamin ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na mag-isa nilang inatake ang processing facility sa South Pars gas field ng Iran, na bahagi ng world’s largest natural gas reserve.

 

Sinabi ni Netanyahu na walang kinalaman ang US sa operasyon kung saan tinarget nila ang naturang site.

 

Idinagdag ng Israeli Prime Minister na hiniling sa kanila ni US President Donald Trump na huwag nang ulitin ang ganoong pag-atake at kanila iyong nirereseto.

 

Ginawa ni Netanyahu ang pahayag matapos sabihin ni Trump na walang alam ang US sa pag-atake ng Israel sa imprastruktura ng mahalagang South Pars gas field.

About The Author