dzme1530.ph

ISRAEL, PINALAWAK ANG KANILANG GROUND AT AIR ATTACKS LABAN SA HEZBOLLAH SA LEBANON

Loading

Isiniwalat ng Israeli military na inaprubahan ang kanilang plano na palawakin ang ground at air attacks laban sa Lebanese armed group na Hezbollah.

 

Sa harap ito ng pangamba ng Lebanon na naghahanda ang Israel para sa large-scale ground invasion sa bansa.

 

Pinaigting ng Israel ang kanilang kampanya laban sa Hezbollah na suportado ng Iran, matapos magpakawala ang grupo ng rockets patungong Israel, sa gitna ng tensyon sa pagitan ng US-Israel laban sa Iran.

 

Ayon sa Lebanese Health Ministry, umabot na sa mahigit isang libo katao ang nasawi sa Lebanon, kabilang ang hindi bababa sa 118 na mga bata at 40 health workers. 

About The Author