Inatake ng Israel ang Hodeidah sa Yemen matapos balaan ng Israeli Army ang mga residente sa tatlong ports na nasa ilalim ng kontrol ng Houthi, na lumikas.
Ayon sa Houthi Interior Ministry, nangyari ang pag-atake, kasunod na babala ng Israel sa mga residente ng Ras Isa, Hodeidah at Salif, na lisanin ang kanilang mga tahanan.
Ito ay dahil ginagamit umano ng Iranian backed-Houthis ang mga pantalan.
Una nang naglunsad ang Houthis ng missile subalit naharang ito ng Israel.
Nangyari rin ang pag-atake bago ang pagbisita ni US President Donald Trump sa Middle East ngayong linggo.