dzme1530.ph

Israel, inanunsyo ang major expansion ng settlements sa inokupang West Bank

Loading

Kinumpirma ng Israeli Ministers na 22 bagong Jewish settlements ang inaprubahan sa West Bank na pinakamalaking expansion sa loob ng ilang dekada.

Ayon kina Defense Minister Israel Katz at Finance Minister Bezalel Smotrich, ginawa nang legal sa ilalim ng Israeli law ang iba’t ibang settlements, gaya ng outposts na itinayo nang walang government authorization.

Ang mga settlement na itinuturing na iligal sa ilalim ng international law, na tinututulan naman ng Israel, ay isa sa mga pinaka-pinagtatalunang isyu sa pagitan ng Israel at Palestinians.

Sinabi ni Katz na ang hakbang ay para maiwasan ang pagtatatag ng Palestinian State na magdudulot ng panganib sa Israel, habang tinawag naman ito ng Palestinian presidency na “dangerous escalation.”

 

 

About The Author