Inako ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na sila ang nasa likod ng nangyaring bomb attack na ikinamatay ng isang sekyu at ikinasugat ng grupo ng journalists at mga bata sa Mazar-I-Sharif City sa Afghanistan.
Paliwanag ng mga otoridad, nakalagay sa parcel ang bomba na iniwan sa loob ng Shiite Center kung saan naroroon ang mga mamamahayag.
Samantala, naganap ang pambobomba dalawang araw makalipas ang suicide bombing na ikinasawi ng gobernador ng Taliban sa Balkh Province.