Umaani na nang suporta mula sa iba’t ibang sektor ang adbokasiya ni AGRI Partylist Representative at ngayo’y senatoriable Wilbert “Manoy” Lee ukol sa mas malawak na serbisyo medikal para sa Pilipino.
Sa hearing ng Senate panel, namahagi si health advocate Dr. Tony Leachon sa mga kasapi ng Senate Committee on Health and Demography ng commitment letter na nakuha ni Lee para maging accountable ang DOH at PhilHealth sa mga ipinangakong benepisyo.
Una nito nagbigay ng commitment ang DOH at PhilHealth kay Manoy Wilbert na pagagaanin nila ang financial burden ng pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng 50% across-the-board PhilHealth benefits increase epektibo sa November 2024.
Pagpasok ng January 1, 2025, itataas sa 80% ang cancer treatment at heart procedures, habang libre na ang diagnostic tests gaya ng PET scan, CT scan at MIR bilang bahagi ng outpatient services.
Sumangayon din si former Department of Finance Undersecretary Cielo Magno sa inilalaban ni Manoy Wilbert na “accountability” ng dalawang health agency.
Maging si Senate President Francis Escudero ay nagpahayag ng suporta sa PhilHealth benefit increase, samantalang bumabaha rin sa social media ang suporta para sa hakbanging ito. —sa panulat ni Ed Sarto