Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga residente sa mga apektadong lugar sa Oriental Mindoro ng oil spill na huwag kainin ang mga nahuhuling isda at iba pang lamang-dagat dahil sa posibleng panganib sa kalusugan dulot ng kemikal sa dagat.
Sa pagbisita ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa Naujan, Oriental Mindoro, ibinilin niya na huwag ring maliligo sa dalampasigan ang sinuman dahil sa kontaminasyon.
Inirekomenda rin niya na lumikas na lamang ang mga residente na malapit sa dalampasigan dahil sa posibleng masamang epekto ng nalalanghap na hangin buhat sa dagat na may halong langis mula sa lumubog na oil tanker na MT Princess Empress.
“Ani pa ni DOH Vergeire. “Pinaalala din nya sa mga mamamayan ng kung ang lugar ng oil spill ay malapit sa kanilang tirahan, mas mainam na humanap na ng pansamantalang matitirahan habang ito ay hindi pa nakakalap.
Kasabay ng inspeksyon sa lugar ay ang pagbibigay ng agarang medical assistance, gamot at sapat na emergency in-halation, para sa mga apektadong komunidad. Namahagi rin, ng protective equipment ang kagawaran ng Kalusugan sa mga rumeresponde sa sitwasyon.
Kabilang sa mga ipinadala ng DOH ay ang mga kinakailangang mga gamot, face masks, nebulizers, oxygen concentrators at iba pa na nasa kustodiya na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.