dzme1530.ph

Isang pulis, patay matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Northern Samar

Loading

Patay ang isang pulis habang ginagampanan ang kanyang tungkulin matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Las Navas, Northern Samar.

Kinilala ang biktima na si Police Executive Master Sergeant Harry Palao-ay, miyembro ng Northern Samar Provincial Explosive and Canine Unit.

Ayon sa ulat, galing sa isang crime scene processing ang grupo ng biktima nang biglang tumaob ang kanilang bangka habang binabaybay ang ilog, dahilan upang malunod si Palao-ay.

Ayon kay NSPPO Director Col. Sonnie Omenga, hindi lamang malaking kawalan sa kanilang hanay si Palao-ay kundi sa buong Philippine National Police.

Pinarangalan ng pamunuan ang kanyang tapang, propesyonalismo, at dedikasyon sa bayan at serbisyo.

About The Author