dzme1530.ph

Isang lalaki, tiklo matapos gawing car cover ang bandila ng Pilipinas

Hindi na nakapalag pa ang isang lalaki sa Ilo-Ilo City matapos itong dakpin ng mga otoridad dahil sa paggamit sa watawat ng Pilipinas bilang panakip sa kanyang kotse.

Ayon sa mga otoridad, kinilala ang suspek na si Jared Serrano, 25-anyos, at residente ng Mandurriao, Iloilo City at kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Depensa ng suspek, may inutusan siya na takpan ang kanyang kotse pero hindi naman nito akalain na watawat ng Pilipinas ang gagamiting pantakip.

Ayon sa Republic Act 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines, “Hindi dapat gamitin ang watawat bilang kurtina, pangsabit, mantel sa mesa, o kaya pantakip sa kisame, ding-sing, estatwa o iba pang bagay. Ang sino mang lalabag ay makukulong o magbabayad ng multa ayon sa itinatadhana ng batas.“

About The Author