Interesado ang Japan Bank for International Cooperation sa isinusulong na Maharlika Investment Fund.
Ito mismo ang ipinabatid ni JBIC Chairman of the Board Tadashi Maeda sa pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malakanyang.
Binati ng JBIC ang gobyerno ng Pilipinas dahil sa pagkaka-apruba ng Maharlika Fund sa Kongreso at Senado.
Nais din ng Japanese Financial Institution na malaman ang iba pang potential at targeted project sa bansa upang makagawa sila ng mga proposal na magpapalakas ng strategic cooperation.
Iginiit naman ni Marcos na layunin ng Sovereign Wealth Fund na makanahap ng mga ganitong uri ng investments na kina-kailangan ng Pilipinas.
Si Maeda ay una nang nakapulong ni Marcos sa kanyang official visit sa Japan noong Pebrero. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News