Ibinunyag ni Sen. Ronald dela Rosa na isang dating lider ng Philippine National Police ang galit na galit kay dating senador Antonio Trillanes IV dahil sa pagsasangkot sa kaniya sa planong destablisasyon laban sa administrasyon.
Sinabi ni dela Rosa na posibleng mabugbog si Trillanes ng dating heneral.
Naniniwala naman ang senador na naghahanap lang ng atensyon si Trillianes kaya ayaw na niya itong patulan pa.
Muling binigyang-diin ni dela Rosa na hindi siya attack dog kaya hindi niya gagayahin ang istilo ng dating senador at hindi niya gagayahin ang mga ginagawa nitong hindi maganda.
Una rito, sinabi ni Trillianes na may mga dati at aktibong police official ng Davao group kabilang ang isang dating PNP chief ang nagbabalak patalsikin si Pang. Ferdinand Marcos Jr.