dzme1530.ph

Isang bayan sa Donetsk Region, nabawi ng Ukraine

Nabawi ng Ukraine ang bayan ng Urozhaine sa silangang bahagi ng Donetsk Region mula sa pwersa ng Russia.

Ito ang inanunsyo ng Ukrainian Military na nanguna ang 35th Separate Marine Brigade at 38th Marine Brigade upang tuluyang palayasin ang Russian forces na sumakop sa naturang lugar.

Nang mabawi ang nasabing bayan, agad nila itong nilagyan ng kanilang watawat bilang patunay.

Samantala, inamin ng Ukraine na sila ang nasa likod ng pag-atale sa tulay sa Crimea, ang lugar na inangkin ng Russia. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author