Ibinunyag ng Israeli military na isa sa apat na bangkay na ibinalik ng Hamas ay hindi Israeli hostage.
Ayon sa Israeli military, tukoy na ang pagkakakilanlan ng tatlong bihag.
Inaasahang mababawasan o made-delay ang bilang ng mga truck na papayagang pumasok sa Gaza dahil sa mabagal na pag-release ng Hamas sa labi ng mga hostage.
Samantala, inihayag ni U.S. President Donald Trump na nagsimula na ang “Phase Two” ng Gaza ceasefire agreement, kasabay ng babala na dapat ibaba ng Hamas ang kanilang armas.