dzme1530.ph

Isa pang warrant of arrest laban kay Quiboloy, inaabangan ng DOJ

Inaasahan ng Department of Justice (DOJ) na may panibagong arrest warrant na ilalabas laban kay Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy, para sa hiwalay na kaso ng human trafficking.

Nagsampa ng kaso ang DOJ sa Pasig City Regional Trial Court kasunod ng March 5, 2024 resolution na nagbaliktad sa pagbasura ng Davao City Prosecutors Office sa mga kasong rape, qualified human trafficking, at child abuse laban kay Quiboloy.

Kamakailan ay naglabas ang Davao Regional Trial Court ng warrant of arrest laban sa kontrobersyal na pastor at lima pa nitong co-accused, para sa kasong child abuse.

Binigyang diin din ng DOJ na walang karapatan si quiboloy para magtakda ng mga kondisyon para sa kanyang pagsuko.

About The Author