dzme1530.ph

Isa pang senador, iginiit sa Comelec na padaliin ang proseso sa pagbawi ng pirma sa P.I

Nadagdagan pa ang mga Senador na nananawagan sa Commission on Elections na padaliin ang proseso sa pagbawi ng pirma para sa People’s Initiative.

Ayon kay Sen. Imee Marcos, dapat kasindali rin ng pagbibigay ng pirma ang pagbawi nito

Iginiit ni Marcos na ang pagmamandato ng eksplanasyon sa pagbawi ng pirma ay dagdag pahirap sa mga tao.

Binigyang-diin ng senador na noong hikayatin ang mga tao na pumirma sa PI sheets ay hindi naman sila pinagpaliwanag kaya bakit kailangan bigyan pa ng katwiran ang pagbawi nito.

Ipinaalala rin ng mambabatas na sinuspinde na ng COMELEC ang lahat ng proseso sa People’s Initiative kayat duda rin siya na maaaksyunan pa ang withdrawal form.

Umaasa naman siya na itatrato ng poll body ang withdrawal sheets tulad ng pagtanggap sa PI sheets.

About The Author