Isa pang opisyal ng Department of Education ang nagkumpirma na nakatanggap din ito ng envelope na may lamang pera mula kay Vice President Sara Duterte nung kalihim pa ito ng Department of Education (DepEd).
Sa hearing ng House Committee on Good Gov’t and Public Accountability, inamin ni DepEd director at dating Bids and Awards Committee chairman Resty Osias na apat na beses siyang nakatanggap ng envelope na naglalaman ng ₱12,000 hanggang ₱15,000.
Inamin ni Osias na mukhang common practice ito sa kagawaran, at ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng sobreng may pera ay noong April hanggang September 2023 at ang nagbigay nito ay si dating DepEd Asst. Sec. Sunshine Fajarda.
Gaya rin ng unang pagsisiwalat ni DepEd Usec. Gloria Mercado, ipinatawag din siya sa tanggapan ni Asec. Shine at iniabot ang sobre na kalaunan ay nakita niya na may pera ito.
Sa kaso ni Usec. Gloria, ₱50,000 ang natatanggap nito bilang siya ang pinuno ng HOPE o Head of Procurement entity. —sa panulat ni Ed Sarto