dzme1530.ph

Isa pang Chinese research vessel, namataan sa loob ng Philippine EEZ

Isa pang Chinese research vessel ang naispatang nagsasagawa ng survey operations sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon kay Retired US Air Force Col. Rey Powell, Director ng SeaLight, simula noong Miyerkules ay namataan ang barkong “Haiyang Dizhi Si Hao” sa hilaga ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Ito ang ikalawang Chinese research ship na na-monitor sa loob ng Philippine EEZ.

July 25 naman nang simulang maispatan ang “Ke Xue San Hao” na nagsu-survey hilaga at silangan ng Escoda o Sabina Shoal sa West Philippine Sea.

About The Author