dzme1530.ph

IRANIAN SECURITY CHIEF, PATAY SA AIR STRIKES NG ISRAEL

Loading

Nasawi sa Israeli airstrikes ang top security official ng Iran na si Ali Larijani, at ang pinuno ng paramilitary ng Basij Force na si Gholamreza Soleimani.

 

Sinabi ni Israeli Defence Minister Israel Katz na napaslang ang dalawang opisyal, kagabi.

 

Kinumpirma rin ng Iranian authorities ang pagkamatay nina Larijani at Soleimani sa Israeli air strikes.

 

Si Larijani ang most senior Iranian official na napaslang mula nang masawi ang kanilang Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei, sa unang araw ng pag-atake ng Israel at US noong Feb. 28.

About The Author