![]()
Binalaan ng Iranian ambassador sa London ang United Kingdom na labis na mag-ingat sa pakikisawsaw sa giyera.
Sinabi ni Ambassador Seyed Ali Mousavi na mayroong “right to self-defence” ang kanyang bansa, sakaling direktang lumahok ang UK sa pag-atake ng US at Israel sa Iran.
Binigyang din ni Mousavi na inaasahan ng Iran na magiging “very delicate, very careful” ang British government at iba pang mga bansa sa kani-kanilang mga aksyon.
Pinayagan ng UK ang US na gamitin ang British bases sa tinawag ng mga minister na “defensive strikes” sa Iranian facilities, subalit hindi ito direktang lumahok sa anumang pag-atake.
