dzme1530.ph

IRAN, NAGBANTANG GAGANTI SA MGA KARATIG BANSA KASUNOD NG ULTIMATUM NI US PRESIDENT DONALD TRUMP

Loading

Nagbanta ang Iran na aatakihin ang energy at water systems sa karatig na Gulf neighbors bilang ganti sa sakaling ituloy ni US President Donald Trump ang ultimatum na tatargetin ang electricity grid ng Tehran kapag hindi binuksan ang Strait of Hormuz sa loob ng 48 hours.

 

Ang posibilidad ng ganting pag-atake sa civilian infrastructure ay maaaring magpalala sa regional crisis at lalo pang magpayanig sa global markets sa muling pagbubukas ngayong Lunes.

 

Madaling araw ng Linggo ay umalingawngaw na ang mga sirena sa buong Israel, hudyat ng babala ng paparating na missiles mula sa Iran.

 

Kasunod ito ng pagkasugat ng ilang indibidwal sa dalawang magkasunod na pag-atake sa mga bayan ng Arad at Imona sa Israel.

 

Inihayag naman ng Israeli military na makalipas ang ilang oras ay sila naman ang umatake sa Tehran bilang paghihiganti.

About The Author