![]()
Handa ang Iran kahit tumagal pa ng hanggang anim na buwan ang digmaan.
Ito ang matapang na pahayag ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi, kasunod ng sinabi ni US President Donald Trump na maaaring matapos ang digmaan sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.
Binigyang-diin ni Araghchi na hindi sila nagtatakda ng anumang deadline para ipagtanggol ang Iran.
Aniya, ipaglalaban nila ang kanilang bansa at mga mamamayan hangga’t kinakailangan at sa kahit anong paraan.
