dzme1530.ph

Ipinapanukalang hybrid elections, posibleng magdulot ng mas maraming karahasan

Loading

Hindi pabor si Sen. Sherwin Gatchalian sa panawagang gawing hybrid ang eleksyon.

Sa panawagan ng Kontra Daya Movement, gagawing manual ang eleksyon sa precinct level subalit mananatiling electronic ang transmission.

Sinabi ni Gatchalian na batay sa kanilang karanasan sa manual elections, umaabot ng ilang linggo bago makapagproklama ng mga nanalong kandidato.

Higit din aniyang nakakapagod para sa mga guro gayundin sa mga kandidato at watchers ang pagsasagawa ng manual elections kahit ito ay sa precinct level lamang.

Ang higit aniyang nakakapangamba ay mas posibleng dumami ang karahasan sa mga polling center dahil sa mabagal na pagbibilang ng mga boto.

About The Author