dzme1530.ph

Senado, naghahanda ng contingency plan para sa posibleng masamang panahon sa pagbubukas ng sesyon sa Lunes

Loading

Ipinag-utos ni Senate President Chiz Escudero ang pagbuo ng contigency measure kung lumakas ang ulan sa Lunes kasabay ng pagbubukas ng first regular session ng 20th Congress.

Ayon kay Senate Secretary Atty. Renato Bantug, ito ang direktibang ibinigay ni Escudero matapos muling magsagawa ng inspeksyon sa gusali ng Senado.

Kabilang sa inihahandang hakbang ng Maintenance and General Services Bureau ang pagsiguro sa maayos na daloy ng mga sasakyan at ang paglalagay ng ligtas na pasukan at labasan ng mga guest at mga empleyado sakaling masama pa rin ang panahon sa Lunes.

Ipinaayos din anya ng senate leader ang mga marking sa tawiran o pedestrian; pinakokolekta ang mga nagkalat na mga dahon o halaman at kasama na ang pagputol ng puno o pagtrim ng halaman

Tiniyak ni Escudero na layunin ng mga paghahandang ito na maging maayos at ligtas ang pagbubukas ng sesyon sa kabila ng banta ng masamang panahon.

About The Author