dzme1530.ph

Investment pledges ng Pangulo mula sa foreign trips, inaasahang magbubunga sa inilunsad na green lanes

Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magbubunga ang investment pledges na kanyang nalikom mula sa foreign trips, sa pamamagitan ng inilunsad na green lanes para sa strategic investments sa ilalim ng Executive Order no. 18.

Sa kanyang talumpati sa launching ng EO 18 sa Pasay City, tiniyak ng Pangulo na isusulong ng gobyerno ang “making-it-happen” vision para sa investments.

Kaugnay dito, nakipag-partner na ang board of investments sa 36 na ahensya para pabilisin ang pag-apruba sa permits at resolusyon ng mga isyu sa strategic investments.

Sinabi ni Marcos na sa ilalim ng kautusan, itatatag ang single point of entry o one-stop action center para sa mga proyektong tutukuyin bilang strategic investments.

Binigyang-diin ng Pangulo na ang EO 18 ay isang mahalagang hakbang sa mithiing gawin ang Pilipinas bilang top investment destination. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author