Inaasahang magsisimula na sa unang bahagi ng susunod na taon ang investment activities ng Maharlika Investment Corporation (MIC) para sa Maharlika Investment Fund (MIF).
Naniniwala si Finance Sec. Benjamin Diokno na magiging fully operational na ang MIC sa pagtatapos ng 2023, upang masimulan na ang investment sa pagpasok ng 2024.
Sinabi ni Diokno na bago mag-Oktubre a-12 ay inaasahang maisusumite na ng MIF advisory body kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pinal na listahan ng nominees para sa MIC Board of Directors.
Sa oras na makumpleto ang MIC board, kaagad umano itong sasabak sa unang meeting na maghuhudyat sa pagsisimula ng operasyon ng wealth fund.
Kasabay nito’y sinabi ng finance chief na hinihintay na ng investors ang mga magiging mukha ng MIC, ang kanilang mga magiging istratehiya, at kung saan nila ilalagak ang Maharlika Fund. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News