![]()
Inaasahan ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na maiisyuhan na ng Interpol red notice ngayong linggo o sa susunod na linggo si dating Cong. Zaldy Co.
Sinabi ni Remulla na malaki ang maitutulong ng red notice sa pagtugis at pag-aresto kay Co.
Kumbinsido naman ang kalihim na nananatili pa rin sa Portugal ang dating kongresista.
Matatandaan na noong November 2025, nagpalabas na ang Interpol ng blue notice laban kay Co na nasasangkot sa mga anomalya sa flood control projects.
Ang blue notice ay naglalayong makakolekta ng karagdagang impormasyon sa pagkakakilanlan ng isang tao, lokasyon nito, at anumang aktibidad niya na may kinalaman sa criminal investigation.
Si Co at 17 pang indibidwal, kasama ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways at mga director ng Sunwest Corporation, ay inisyuhan na ng warrant of arrest bunsod ng iregularidad sa flood control projects.
Nahaharap din sa hiwalay pang kasong katiwalian at malversation of public funds si Co kaugnay sa anomalya sa 289 million pesos na flood control project sa Oriental Mindoro.
