Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri na napagkasunduan nila sa all-senators caucus na bibilisan nila ang interpelasyon sa 20 panukala na target nilang aprubahan bago mag-adjourn ang sesyon sa Mayo a-24.
Sinabi ni Zubiri na pangunahin nilang tututukan at titiyaking maipasa ang mga panukala na may malaking impact o malaking maitutulong sa ekonomiya at sa sambayanang Filipino.
Napagkasunduan din aniya ng mga senador na ipasa ang maraming panukala na naglalayong lumikha ng Regional Trial Courts, bagong ospital at magpapataas ng bed spaces sa mga pagamutan at iba lang local bills.
Sinabi pa ni Zubiri na napag-usapan nila sa caucus na ituloy ang out of town hearings para sa resolution of both houses number 6 o panukalang economic chacha.
Ngayong linggo ay ipapalabas anya ang schedule kung kailan at saan isasagawa ang pagdinig ukol sa panukalang pag-amyenda sa ilang economic provision ng konstitusyon.