dzme1530.ph

International pop star Ariana Grande at asawa na si Dalton Gomez, hiwalay na!

Hiwalay na ang international pop star na si Ariana Grande sa kanyang real estate agent husband na si Dalton Gomez.

Ayon sa entertainment news outfit na TMZ, noon pang Enero hiwalay sina Grande at Gomez at ipino-proseso na ang kanilang divorce.

Una nang napansin ng mga fans na hindi suot ni Grande ang kanyang wedding ring sa isang event sa Wimbledon nitong nakaraang weekend.

Sinabi pa ng TMZ na nagkabalikan naman ang couple ilang buwan na ang nakalipas subalit bigo pa rin silang isalba ang kanilang pagsasama.

Nagsimulang mag date sina Grande at Gomez noong 2020 at napaulat na nagpakasal noong 2021. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author