Umapela si Sen. Risa Hontiveros sa international community na tumulong sa crackdown o sa pagtugis sa transnational criminal syndicates na nasa likod ng operasyon ng mga scam hub.
Ginawa ng mambabatas ang apela kasunod ng pagpapauwi sa mahigit 200 Pinoy na nabiktima ng human trafficking at ipinasok sa scam hubs sa Myanmar.
Aminado si Hontiveros na hindi kaya ng gobyerno ng Pilipinas na mag-isang tugisin ang mga sindikatong ito kaya naman kailangan ang pakikipagtulunagn sa mga gobyerno ng iba’t ibang bansa at mga international bodies.
Muli namang nagpasalamat si Hontiveros sa Department of migrant workers (DMW), OWWA at DFA sa pagpupursige para makauwing ligtas ang mga kababayan natin.
Umaasa ang senadora na ang mga victim-survivor ay mabibigyan ng nararapat na psychosocial intervention at maisama sa reintegration programs para makabangon silang muli.