dzme1530.ph

Inter-parliamentary boundaries, dapat galangin —mga kongresista

Pumalag ang mga kongresista at pinayuhan si Sen. Joel Villanueva na igalang ang inter-parliamentary bounderies lalo na sa usapin na hindi saklaw ng Senado.

Pinuna ni Rep. Jude Acidre at Rep. Jill Bongalon, ang pag-atake ni Villanueva sa desisyon ng Committee on Appropriations na tapyasan ng ₱1.3-B ang proposed budget ng Office of the Vice President.

Payo ni Acidre kay Villanueva, tutukan na lamang nito ang kanyang trabaho sa Senado, at kung may puna man ito sa pagtabas sa budget ng OVP, ay i-reserba na lang ang argumento sa mangyayaring bicam.

Para naman kay Bongalon malinaw na ang pahayag ni Villanueva ay paglabag sa “inter-parliamentary courtesy” o panghihimasok sa gawain ng Kamara.

Matagal na umanong mambabatas si Villanueva kumpara sa kanya, subalit tila mas alam pa niya ang pagpapanatili ng decorum sa pagitan ng Senado at Kamara. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author