dzme1530.ph

Integridad at karakter ni VP Sara Duterte, kaduda-duda

Kuwestiyonable ngayon sa isang Kongresista ang karakter at integridad ni Vice President Sara Duterte-Carpio dahil sa kabiguan nitong ipagtanggol ang Pangulo ng bansa.

Ayon kay Manila 3rd District Representative Joel Chua, bilang bahagi ng administrasyon at isang public servant hindi dapat hinahayaan ng Pangalawang Pangulo na inaatake ng kapamilya nito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Punto ni Chua, paano mapaglilingkuran ni VP Sara ng tapat ang taumbayan kung ang mismong katuwang nito sa Public service na si PBBM ay hindi nito magawang suportahan at ipagtanggol.

Una nito inamin ni First Lady Atty. Liza Araneta-Marcos sa isang one-on-one interview na nasaktan siya nang batikusin at akusahang ‘bangag’ ni Former President Rodrigo Duterte si Pangulong Marcos sa isang rally sa Davao City habang nakita sa crowd si VP Sara na tumatawa.

Dahil diyan nanawagan si Chua kay VP Sara na mag-resign na sa gabinete ni PBBM bilang Kalihim ng Edukasyon.

About The Author