dzme1530.ph

INTEGRATION NG FINANCIAL LITERACY SA TECH VOC CURRICULUM, LUSOT NA SA KAMARA

Loading

Pinagtibay kagabi sa 3rd and final reading ang House Bill No. 7628, para isama sa curriculum ng technical-vocational institutions at TESDA ang personal financial literacy course.

 

Ang panukalang ito, na inakda ni Rep. Lani Mercado-Revilla ng Cavite, ay para palakasin ang financial literacy ng mga Filipino students, workers, at trainees sa buong bansa.

 

Kapag na-institutionalize ang financial education sa Technical-Vocational Education and Training o TVET system, lahat ng magsisipagtapos ay hindi lang technical competencies ang bitbit nito kundi maging financial knowledge.

 

Naniniwala si Revilla na kapag naisama ang financial literacy sa tech-voc education, makakatulong ito sa mga kabataan para ma-develop ang disiplina sa paggastos, pangalagaan ang kita, umiwas sa utang, at makapaghanda sa future financial needs gaya ng business ventures, pagkakaroon ng sariling bahay, edukasyon, at maging sa retirement.

About The Author